Black Knights, binalatan ang Kahell

Nagsimula ang umaatikabong laban ng Battle for Greatness sa pangunguna ng Black Knights Team na sina Alex “The Bullet” Catequista, Delos Santos, Ancheta,  Harper, Pablo at the Captain Jay Tolentino. Sa team Kahell ay pinangunahan naman ni Morondos, Acbo, Niebres. Manarin, Perez at Jaymart ang opensa.

Tinambakan ng Black Knights ang Kahell sa 1st quarter ng 9 point at natapos ang 1st quarter sa score na Black Knights (16 points) at Kahell (7 points).

Sa 2nd quarter, lalong uminit ang laban nang unang nakapuntos si Delos Santos ng 2points. Subalit hindi nagtagal ay napako na sila sa score na 18 pts. Kaya ipinasok na ni Captain Franz ang kanyang mga secret weapon na sila The Golden boy Jaymart, Lean Agan, Lou “The Brow” Acbo at the Ricky” The Destroyer” Filler.

Lumamang ang Kahell sa pamamagitan ng fastbreak na ginawa nila Jaymart at Lean Agan na nagmula sa napakagandang pasa ni Captain Franz.

imageNapasabit si Jaymart upang makakuha ng freethrow shot at hanggang naubos ang lamang sa 1 puntos. Ang iskor ng Black Knights ay 18 at sa Kahell ay 17.

Sa second half patuloy ng umani ng mga puntos ang magkabilang koponan hanggang umabot pa nga sa overtime.  Nag mag simula ang extension period, back to back ang ginawang puntos ni Ancheta, una ay 3 pt-shot at pangalawa ay ang foul counted shot.

Hindi nagpatalo ang Kahell players, nakahuha ng act of shooting foul si Acbo ng dalawang beses at 1/4 ang kanyang free throw. Pag balik ng bola sa Black Knight, and one naman ang tira ni Delos Santos.

Nagdidikan ang dalawang koponan at lamang ng 5 puntos ang Black Knight, pinilit pang humabol ng Kahell at naka puntos pa ng 3pts ang kanilang kapitan sa huling sigundo kaya natapos ang laban ng may dalawang puntos na kalamangan ang Black Knights (50-48).

Richard Lazaro – RIM Warriors

Leave a comment